Thursday, February 7, 2013

Stryker's Stories: Aral Mula Kay Yuri

Maliwanag ang buwan, may kalamigan ang ihip ng hangin at payapa ang paligid.  Habang nakaupo ako sa veranda ng aming bahay, hindi maiwasan ng isip ko ang magmuni-muni... magmasid... at magtanong ng mga bagay-bagay tungkol sa aking buhay at sarili.  Sa tuwing nag-iisa kasi ako, ito ang lagi kong ginagawa.  Para sa akin, ito ang pinaka-angkop na oras upang mapagnilay-nilay ang mga bagay na nagawa ko sa maghapon, mga bagay tungkol sa aking buhay at mga aral ng panahon na dapat kong matutunan.

          Sa pagkakaupo kong iyon, sumagi muli sa aking isipan ang karanasang kanina lamang nangyari.  Ito ay isang pangyayaring naganap sa pagitan ko at ng isang lalaking nakasabay ko sa paglalakad pauwi sa amin. 

          Ito ang simula ng aking paglalahad...

          Maaga na naman akong makakauwi dahil tuwing araw ng Biyernes ay hanggang alas-tres lamang ang aking pasok sa unibersidad na aking pinapasukan.  Kagaya ng dati, uuwi ako agad ng bahay upang makapagpahinga at makapag-internet hanggang gabi.  Hilig ko kasi ang makipag-chat sa aking mga kaibigan, kaklase at mga bagong nakikilala sa mga social networking sites, lalu na yung mga sites na ang laman ay puro mga lalaki o yung tinatawag na m2m.  Isa kasi akong bisexual na simula pa lang sa pagkabata ay alam ko na ngunit hindi ito alam ng aking mga magulang at kapatid.  Discreet bi ako.  May mga kaibigan ako na alam nila ang pagiging bisexual ko at tanging sila lang ang pinagsabihan ko nito.  Mapalad naman ako at sila ang mga naging kaibigan ko dahil naiintindihan nila ang kalagayan ko at hindi nila ito ipinagsasabi sa iba.

          I am Marcus, 20 years old and a fourth year HRM student.  I can proudly say that I am living a happy life though I'm not from a well-off family.  Naniniwala kasi ako na hindi lang pera ang tanging nakakapagpasaya sa tao.  Hindi naman ako nahuhuli sa standing sa klase namin, marami akong kaibigan na nagmamahal at nakakaintindi sa akin, at meron akong masaya at buong pamilya.  Para sa akin sapat na ang mga dahilang ito para masabi kong masaya ako.  Sana nga lamang ay huwag dumating ang pagkakataon na malaman ng aking pamilya ang tungkol sa pagiging bisexual ko dahil ito ang isa sa mga bagay na kinatatakutan kong mangyari.  Hindi ko kasi alam kung ano ang idudulot nito sa relasyon ko sa kanila... magagalit ba sila... matatanggap ba nila ako... ikahihiya... itatakwil... o kung ano pa na maaaring mangyari.

          Kaya naman lagi akong nag-iingat sa aking mga kilos at sa pakikipag-chat ko sa mga lalaking nakikilala ko sa internet.  Ito rin ang dahilan kung bakit iba ang ginagamit kong pangalan sa FB ko at hindi ako naglalagay ng picture.  Mahirap kasi kung bigla nila itong makita... patay na!

          Hindi ko ikakaila na may ilan na rin akong guys na naka-eyeball at naka-sex na minsan ay mas matanda sa akin at meron din naman na mas bata ng kaunti. 

          Habang pauwi ako ng hapong iyon ng Biyernes, pagkababa ko sa jeepney, ay naglakad na ako pauwi ng bahay.  May mga isandaang metro pa kasi ang lalakarin ko bago ako makarating sa amin dahil hindi naman dumadaan doon ang mga jeepney.  Mahal naman kasi kung sasakay ako ng taxi, hindi ito praktikal para sa isang estudyanteng tulad ko. 

          Sa aking paglalakad ay hindi ko namalayan na may lalaki pala na kumakausap sa akin sa aking bandang likuran.  Nakasuot kasi ang earphones ko habang nakikinig ng paborito kong awitin sa aking cellphone.  Nang magkatapat lang kami sa paglalakad at napalingon ako sa kanya ay doon ko lang napansin na kinakausap pala nya ako.  Inalis ko ang earphones sa tenga ko at tinanong ko kung ano ang sinasabi nya.  "Saan ka ba umuuwi dito?" ang tanong ng lalaki.  "Dyan lang malapit sa karinderya yung green na gate," ang sabi ko.

          Sa tuwing haharap ako sa kanya sa buong pag-uusap namin ay napansin kong may ka-gwapuhan sya.  May pagka-singkit ang mga mata, maputi, halos kasingtangkad ko sa taas na 5'8" at halatang matipuno ang katawan sa suot nyang maong at blue polo na nakabukas ang ilang butones sa harap.  Matambok ang kanyang puwit na siya namang agad kong napansin.  Iyon kasi ang una kong tinitignan sa isang lalaki.  Ewan ko ba pero nalilibugan ako kapag matambok ang likuran ng isang guy.

          Tuloy sya sa pagtatanong at pagkukuwento tungkol sa kanya.  Nalaman kong sya si Yuri, 22 years old at nakatira sa may kanto bago ang sa amin.  Tumutuloy sya sa kanyang pinsan habang naghahanap sya ng trabaho dito sa Maynila.  Sa katunayan, kagagaling lang daw nya sa inaplayan nyang trabaho at masaya nyang sinabi sa akin na natanggap daw sya bilang records officer sa isang maliit na kumpanya.  "Tinanggap ko na kahit hindi kalakihan ang sweldo dahil ang hirap maghanap ng trabaho ngayon," paliwanag nya.  "Oo naman! Basta magtyaga ka lang at malay mo may dumating na mas magandang opportunity," pagpapalakas ko pa ng loob nya.  "O pano Marcus, andito na pala ako sa amin. Salamat sa kwento ha. Sya nga pala pwede ko bang makuha ang number mo?" ang tanong nya.  Ibinigay ko naman ang number ko at nagpaalam na ako.  "Salamat ulit. Ite-text na lang kita para makuha mo ang number ko," ang sabi nya habang palayo na ako.

          Hindi pa ako nakakarating sa amin ay tumunog na ang cellphone ko.  Si Yuri.  "Ito nga pala ang number ko, Yuri," sabi nya sa text message nya. 

          Pagdating ko sa bahay ay pasado alas-kwatro na.  Nagpahinga ako sandali at naligo para deretso na ako sa pag-iinternet. 

          Nagbabasa ako ng mga private message sa FB ko nang biglang tumunog ang aking cellphone.  Dali-dali ko itong kinuha sa tabi ng aking higaan, lumabas sa veranda at binasa ang text: "Hi Marcus. Yuri i2. Gus2 sna kta ya2in d2 sa bhay ma2ya pra smahan aq mgcelebr8 s pgkatanggap q s trbaho. Un eh qng ok lng sau".  Nakaligtaan ko na nakatapis lang pala ako ng tuwalya nang lumabas ako sa veranda.  Nakasanayan ko kasing hindi agad nagbibihis pagkatapos maligo dahil nasa loob lang naman ako ng kwarto ko.  Sa itaas kasi ng bahay ang kwarto ko at katapat nito ang isang maliit na veranda. 

          Hindi ko agad sinagot ang text nya.  Nagdadalawang isip kasi ako dahil kakakilala lang namin.  Pero pumayag na rin ako dahil mukha naman syang mabait at malapit lang naman sa amin ang tinutuluyan nya.  Isa pa, wala naman akong gagawin at wala namang pasok kinabukasan. 

          Sabi nya ay hihintayin nya ako ng alas-syete dahil may tatapusin muna daw syang gawain.

          Kumatok ako sa gate nila habang tinitignan ang aking suot na shorts at t-shirt.  Hindi naman siguro nakakahiya na pambahay lang ang suot ko kasi magkalapit lang naman kami ng tirahan at hindi naman kami lalabas.  Bumukas ang gate. "Halika tuloy ka. Pasensya ka na at medyo makalat pa dito sa bahay. Hindi ko kasi natapos ang pagliligpit kanina. Mga gamit kasi ito ng pinsan ko. Wala nga sya ngayon dahil pang-gabi ang shift nya sa call center," paliwanag ni Yuri.  Ang ibig sabihin ay kaming dalawa lang ang naroon na magce-celebrate.

          Naglabas sya ng ilang bote ng San Mig Light, yelo at ilang potahe ng ulam para sa pulutan.  "Binili ko lang yan sa may karinderya malapit sa inyo. Hindi kasi ako marunong magluto. Nakita nga kita kanina sa inyo na nasa veranda at nakatapis ka lang ng tuwalya. Kakatapos mo atang maligo. Ang kinis pala ng balat mo at machong-macho ah, hehehe," pagbibiro pa nya.  Bigla naman akong nahiya sa tinuran nya.  Na conscious tuloy akong bigla at napaisip kung ano ang itsura ko kanina.  Di man lang ata ako nagsuklay at basta na lang nagtapis. 

          "Marunong ka bang uminom? Kung hindi eh ipaglalabas na lang kita ng soft drinks hehe," pang-aasar nya habang nakangiti sa akin.  "Oo naman atsaka di naman tayo maglalasing di ba?" paglilinaw ko sa kanya.  Inabutan nya ako ng isang bote ng SML at baso na may yelo.  "Magyelo na lang tayo at baso kasi di masyado malamig ang nabili ko dyan sa tindahan," sabi nya.  "Mas ok nga yan para talagang lalamig. Mahilig ka ba talagang uminom?" usisa ko.  "Hindi nga eh. Madali kasi akong malasing kahit ito lang iniinom ko. Ngayon lang ulit kasi nga may dahilan naman ako para uminom. Atsaka para magkakilala naman tayo ng lubos. Ngayon pa na magkapitbahay lang pala tayo," paliwanag nya sa akin. 

          Naisip ko na pareho lang pala kaming di marunong uminom at madaling malasing.  Kapag umiinom kasi kami ng mga barkada at kaibigan ko, ako ang unang bumabagsak kasi nahihilo ako kahit dalawa o tatlong bote pa lang ang naiinom ko.

          Madaming naikwento sa akin si Yuri gaya ng buhay nya sa Malolos, Bulacan kung saan talaga sya nakatira.  Meron syang mga nakababatang kapatid na babae at lalaki na kasama ng kanyang nanay.  Matagal na daw kasing patay ang tatay nya kaya nang matapos sya ng pag-aaral ay sinikap nyang makapagtrabaho kaagad.  Hindi naman daw kasi sila mayaman at wala ring trabaho ang kanyang nanay.  Batid daw nya ang hirap ng buhay kung kaya't sinikap nyang matulungan ang nanay at mga kapatid para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

          Sa Bulacan daw sya unang nagtrabaho sa loob ng mahigit isang taon kaya nga lang ay nagsara ang kanyang pinapasukan.  Eto sya ngayon napadpad sa pinsan nya dito sa Maynila upang maghanap ng trabaho.  Sya na daw kasi ang inaasahan ng kanyang nanay at mga kapatid dahil wala na nga silang tatay.  May maliit daw silang tindahan sa kanila ngunit hindi naman daw ito sapat para sa pang-araw-araw nilang gastusin.

          Ang maagang pagkaulila daw nila sa ama ang nagturo sa kanya ng isang mahalagang aral sa buhay... ang mahalin ang mga taong nakapaligid sa iyo at ang pagbibigay ng halaga sa kanila. Hindi raw kasi natin hawak ang buhay at hindi sa lahat ng pagkakataon ay maayos ang ating kalagayan sa buhay.  Matuto din daw tayong magpasalamat sa akung ano ang meron tayo at huwag itong aabusuhin. 

          Hindi na rin daw nya natutunan ang maglakwatsa at magbisyo dahil mas nanaisin nyang gamitin ang pera sa pagtulong sa pag-aaral ng mga kapatid.

          Sa puntong iyon ay napahanga ako sa kanya dahil nakita ko na mabuti syang anak at kapatid.  Ang sarap nyang kausap at hindi ako nabagot sa kanya.  Ramdam ko kasi ang sinseridad at katotohanan sa kanyang mga sinasabi.

          Hindi ko tuloy maiwasan ang magtanong, "ibig bang sabihin nyan eh matatagalan bago ka makapag-asawa?"  Dali-dali naman nyang sinagot ang tanong ko, "siguro... palagay ko... wala pa kasi sa isip ko yan. Atsaka may mga reasons din ako kung bakit ayaw ko munang magkaroon ng commitment."  Tumango lang ako sa kanyang sinabi at sabay inom sa hawak kong baso.  "Bakit di ka nagpupulutan? Sige ka, agad kang malalasing nyan. Ginawa mo atang tubig yang iniinom mo, hahaha. Akala ko ba di ka sanay uminom pero bakit nauna mo pang maubos yang isang bote mo kaysa sa akin," wika nya habang nilalagyan ng yelo ang kanyang baso.

          Ayaw ko lang ipahalata sa kanya ngunit sa puntong iyon ay medyo nahihilo na ako.  Talagang di ako sanay sa alak.  Lumipas ang mahigit isang oras at nasa pangatlong bote na kami pareho.  Hindi ko na maitago sa kanya ang pagkalasing ko.  Sabi nya na tama na yung pangatlong bote at uubusin na lang daw namin yun.  Pumunta sya sa kusina upang kumuha pa ng yelo.  Nang bumalik sya ay wala na syang suot na t-shirt.  "Pasensya ka na at nag-alis na'ko ng damit, medyo mainit na kasi siguro dahil sa nakainom na'ko," paliwanag pa nya.  Bigla tuloy napako ang tingin ko sa katawan nya.  Ang ganda pala talaga ng hubog ng katawan nya.  "Nag-gy-gym kb?" pang-uusisa ko tuloy sa kanya.  "Dati pero ngayon halos hindi na. Wala ng time eh," sagot naman nya.

          Nawaglit tuloy sa isip ko na nakatitig pa rin ako sa kanya habang sinasagot nya ang tanong ko.  Nabigla ako at biglang ibinaling sa iniinom ko ang aking atensyon.  Nakaramdam ako ng pagkahiya dahil alam kong nahuli nya akong tinititigan ko ang kabuuan ng kanyang katawan.  Panakaw akong sumulyap sa kanya at medyo naka-ngisi sya na parang may ibig sabihin.  Mas lalo akong na-conscious sa mukha nyang iyon.

          Biglang tumayo si Yuri at tumabi sa akin sa pagkakaupo.  sapagkat hilo na ako ay hindi ko na namalayang napasandal pala ako sa kanya.  Alam kong may sinasabi sya ngunit hindi ko na ito masyadong naiintindihan dahil umiikot na ang paningin ko.  Itinaas nya ang ulo ko at tinapik-tapik ang aking mukha.  Nagulat ako nang bigla nyang hagkan ang aking mga labi.  Napadilat ako at inilayo ko ang aking ulo.  "Pasensya ka na Marcus at nadala lang ako. Ang sarap mo kasing pagmasdan habang lasing. Para kang batang walang muwang. Isa pa ang pula kasi ng mga labi mo pati ang pisngi mo," ang tangi nyang sinabi. 

          Sa ginawa nyang iyon ay parang nawala ang aking pagkalasing lalu pa't hinihimas nya ang aking hita.  Tinanong nya ako kung gusto ko daw bang halikan nya akong muli. 

          Inamin nya sa akin na napapansin daw nya ako nung naglalakad kami na panay ang sulyap ko sa likuran nya.  Kaya doon pa lang ay nagkaroon na sya ng ideya na may kakaiba sa akin.  Ayaw daw nyang pagsamantalahan ang pagkakataon kaya humihingi sya ng pahintulot kung papayag ako.  "Aminin mo na sa akin kung bisexual ka at okay lang naman yun sa akin," sabi nya.  Natanong ko tuloy sa aking isip kung bi din sya.  Napansin siguro nyang may kakaiba sa titig ko sa kanya kaya inunahan na nya ako, "Hindi tol. Di ako bisexual. Trip lang naman ito eh. Kung ayaw mo okay lang. Pasensya na ulit. Kung tutuusin hindi ito ang unang pagkakataon na nagawa ko 'to. May kasamahan na ako dating bi na naka-sex ko," pagpapaliwanag nya. 

          Ginantihan ko lang ng isang simpleng ngiti ang kanyang mga sinabi tanda ng pagsang-ayon ko sa nais nyang mangyari.  Muli nya akong hinalikan.  Halik na nag-aalab at parang kumukuryente sa buo kong katawan.  Nararamdaman ko na nagsisimula ng tumayo ang aking sandata.  Tumayo sya at isinara ang pintuan at bintana.  Baka daw kasi may dumaan at makita kami.  Kung ang inaalala ko daw ay ang pinsan nya, umaga na yun kung umuwi kaya wala akong dapat ipag-alala. 

          Pagkasarado ng pinto at bintana ay humarap sya sa akin habang ako ay nakaupo sa sofa.  Ibinaba nya ang kanyang suot na garterized shorts at tumambad sa aking harapan ang nakabukol nyang pag-aari na natatakpan ng kanyang white underwear.  Sa tingin pa lang ay halatang malaki ang kanyang sandata.  Yumuko sya at muli akong hinalikan sa labi papunta sa aking tenga at bumulong, "isubo mo ang burat ko."  Para akong isang utusan na dagliang tumalima sa kanyang utos.  Unti-unti kong ibinaba ang kanyang underwear hanggang bumulaga sa aking harapan ang pumupintig-pintig nyang burat.  Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.  "Huwag kang mag-alala kaya mo yan," panunukso pa nya.  "Gaano ba kahaba yan? Kasi yan na ang pinaka-malaking burat na nakita ko," pagtatanong ko.  "Seven inches yan at mataba, di ba?" pagmamayabang pa nya.  Kung sabagay, may karapatan syang magyabang dahil totoo ang sinasabi nya.

          Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ng kanyang puwit at kinabig ito papalapit sa aking mukha.  Ibinuka ko ang aking bibig at malayang pinapasok ang namumula nyang alaga.  Nilaro ko ng aking dila ang ulo nito na nagpaungol sa kanya.  "Oohhh shit ang sarap. Ang init ng bunganga moooohhh," ang tangi nyang naibulalas.

          Bawat pulgada ng kanyang burat na bumabaon sa loob ng aking bibig ay lalong nagpapalakas ng kanyang ungol.  Sinimulan nyang iindayog ang kanyang balakang upang mailabas-masok sa aking bibig ang galit na galit nyang ari.  Kapag nasosobrahan ng pasok ay naitutulak ko papalayo ang kanyang balakang dahil parang masusuka ako kapag natatamaan nito ang aking lalamunan.

          Grabe talaga ang laki at taba ng kanyang burat.  Iniluwa ko ito upang ang bayag naman nya ang aking lalamasin ng aking dila.  Umupo sya sa sofa at ako naman ay lumuhod sa kanyang harapan.  Itinaas ko ang magkabila nyang binti upang magkaroon ako ng pagkakataon na manamnam nang husto ang magkabila nyang bola. 

          May pagkakataong nasasabunutan nya ako dahil sa sarap na nararamdaman.  "Shit ang sarap! Huwag mong tigilan, Marcus. Grabe ka ang galing moohhh!" bulalas nya.  Muli kong isinubo ang kanyang sandata habang himas-himas ko ang sa akin.  Pinahiga nya ako nang patagilid sa mahabang sofa at muling ipinasok sa aking bibig ang kanyang burat.  Sinimulan naman nyang himasin at dyakulin ang aking tarugo.  Dama ko ang lambot at init ng kanyang palad.  Para akong mababaliw sa sarap na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.  Sa nangyayari sa amin, hindi mo aakalaing kakakilala lang namin at parang walang bakas ng pagkalasing.

          "Aahhh, sige pa laruin mo ng dila mo ang burat ko. Oohhh, shit ang sarap talagaaah!" tangi nyang nai-ungol.  Pinaluhod nya ako ng nakatukod ang dalawa kong tuhod sa malambot na sofa.  Maya-maya ay may kinuka syang parang lotion sa side table at nilagyan ang kanyang ari pati ang butas ng aking puwit.  "Papasukin kita ha," sabi nya.  "Sige pero magdahan-dahan ka lang, please. Malaki kasi yan baka masaktan ako," pakiusap ko sa kanya.  "Huwag kang mag-alala at magdadahan-dahan ako. Sabihin mo lang pag hindi mo na kaya, ok?" wika nya.  Tumango ako at bahagyang ibinuka ang aking mga hita upang bigyan ng daan ang kanyang pag-arangkada.

          Hinawakan nya ang aking balakang at itinutok ang naghuhumindig nyang burat sa butas ko.  Napapikit ako nang maramdaman kong unti-unti nya itong ipinapasok sa aking masikip na butas.  Sa bawat ulos nya papasok ay napapapikit ako sa sakit.  Halos mapunit ang aking butas nang tuluyan nyang maipasok ang kabuuan ng kanyang sandata.  Grabe sya kung makasagad sa pagpasok para bang ayaw na nyang hugutin.  Nag-atras-abante sya sa kailaliman ng aking butas at napapasinghap ako sa bawat nyang galaw.  Magkahalo ang aming mga ungol na para kaming mababaliw sa sarap. 

          Hinugot nya ang kanyang sandata upang mag-iba kami ng posisyon.  Pinasandal nya ako at itinaas naman ngayon ang aking mga binti.  Muli nyang ipinasok ang kanyang sandata at lalung isinasagad ito sa aking butas.  Bawat bagsak nya ay nagbibigay sa akin ng kakaibang libog.  Napapasabunot ako sa kanya... napapa-hawak sa balakang... at minsa'y halos bumaon ang mga kuko ko sa kanyang likuran. 

          Habang binabati ng kanyang kanang kamay ang aking burat ay naglalakbay naman ang kaliwa sa buo kong katawan.  Nang malapit ng bumulwak ang kanyang katas ay hinawakan ang magkabila kong balikat upang mas maidiin ang kanyang bawat arangkada.

          "Malapit na akong labasan. Sabay tayong magpalabas," ang sabi nya.  Mabilis na rin ang pagbate ko sa aking sandata habang hindi sya magkandaugaga sa pangangabayo sa akin.  "Oohhh malapit naahhh! Sabayan mo akoohhh! Oohhh ang saraaaappp! Aaahhh di ko na kaya eto na akoooo!" ungol nya.  Kasabay nito ay hinugot nya ang kanyang burat at magpapalabas daw sya sa aking dibdib.  Isang mahabang ungol ang sabay naming nasambit, "Ooohhh ayan naaahhh!"

          Halos magkasabay na pumulandit ang aming mga tamod.  Tumalsik sa aking puson, dibdib at hanggang sa mukha ang kanyang masaganang katas.  Ang daming tamod ang lumabas sa kanya.  Nang mapansin kong may lumalabas pa sa kanyang sandata ay bigla ko itong isinubo.  Muli na naman syang napaungol, "aahhh that's great. Ang sarap nyan, grabe!

          Pareho kaming nanlata at napaupo na lang sa sofa. Tinignan nya ako ng marahan at tinanong, "nag-enjoy ka ba? Salamat ha, ang galing mo. Pasensya ka na at hindi ako tsumutsupa kaya jinakol na lang kita".  Sabi ko ay okay lang yun. Alam ko naman na trip lang nya talaga yun at hindi naman ako nag-expect na gawin nya sa akin ang ginawa ko sa kanya.

          Pagkatapos magbihis ay muli syang nagpasalamat at inihatid ako sa may gate nila.  Pabiro pa syang nagtanong kung papayag daw ba akong gawin namin ulit yun kapag sinumpong sya ng libog.  Bahagya akong tumawa at sinabing, "basta ikaw, walang problema. Congratulations nga pala ulit sa bago mong trabaho. Good luck."  Isang ngiti pa ang iniwan ko sa kanya at naglakad na ako pauwi. 

          Umakyat na ako sa aking silid at muling naligo.  Pagkatapos ay umupo ako sa harapan ng aking computer upang mag-tsek ng FB. Napatagal ang aking pakikipag-chat sa mga kaibigan ko at hindi ko namalayang alas-dose na pala ng hatinggabi.

          Lumabas ako sa may veranda.  Sa kalaliman ng gabi at habang nakatingin ako sa kawalan, muling sumagi sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Yuri kanina lamang.  Hindi lang ang aming pagtatalik kundi ang mga naikwento nya sa akin.  Naisip ko tuloy na walang katiyakan ang buhay... walang kaseguruhan kung ano ang mangyayari sa hinaharap... walang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa atin sa mga araw na darating. 

          Sinong mag-aakalang sa simpleng paglalakad ko pauwi sa aming bahay ay mayron akong makakasabay na isang lalaki... lalaking hindi lang nagpalasap sa akin ng kakaibang karanasan, kundi isang lalaking hinangaan ko dahil sa pagmamahal sa kanyang pamilya na handang isakripisyo ang sariling kaligayahan, maisakatuparan lamang ang mga responsibilidad na naiwan ng kanyang ama.

          Ang nangyari sa akin ng gabing iyon ay hindi pangkaraniwang pakikipagniig lamang kay Yuri kundi isang karanasan na nagbigay sa akin ng kakaibang pananaw sa buhay.  Isang aral na nagsasabing hindi puro pansariling kapakanan lamang ang dapat nating isaalang-alang kundi higit sa lahat ay ang pagbibigay halaga sa mga taong nagmamahal sa atin... mga taong kadalasan ay hindi natin napag-uukulan ng pansin dahil sa pagkabulag natin sa paghahanap ng sariling kaligayahan.

          Muli akong nagbalik sa aking pagmumuni-muni.  Dinama ko ang lamig ng hangin... ang kalaliman ng gabi... ang katahimikan ng paligid.  Alam kong sa aking pagtulog, may baon akong magandang karanasan at makabuluhang aral na natutunan.

No comments:

Post a Comment